Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH

ISNAYP! Rebolusyonaryong Midya ng Bikol


Blog EntryAug 4, '11 3:22 PM
for everyone

Blog EntryMay 1, '11 12:18 AM
for everyone
Maliban sa mga taktikal na opensiba ng Nerissa San Juan Command, ang buong rebolusyonaryong kilusan sa isla ng Catanduanes ay lahatang-panig na sumusulong sa gitna ng marahas na mga atake ng mga armadong pwersa ng gubyerno sa balangkas ng Oplan Bantay Laya 2.

(01) Abaka

(02) Hag-otan


(03) Kalahok ng masa ang mga kasama sa masinsing pagtatanim sa kaingin.


(04) NPA at masa - magkatuwang sa kabuhayan, magkatuwang sa pakikibaka.


(05) NPA, abaka, at masa


(06) Rebolusyonaryong paaralan sa pusod ng abakahan



(07) Ang masang Catandunganon, nagsipagsampa sa Nerissa San Juan Command ng Bagong Hukbong Bayan.



(08) Inihahanda ng  kasama ang mga kagamitan para sa serbisyong medikal sa masa.



(09) Nagpapakahusay ang mga medik ng NPA sa akupangtura bilang isang epektibong lunas sa mga karamdaman ng masa.




(10) Ang kapakanan ng masang Catandunganon ang pangunahing dahilan ng pagpapakahusay ng mga kasama sa gawaing medikal.



(11) Pagsasadula ng isang matagumpay na ambus ng Nerissa San Juan Command

Photo AlbumSa Kagalingan ng Masa Photo AlbumApr 5, '11 11:53 PM
for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
The CMC-NPA's medical officers offfer their free services to the masses who needed it most.

Photo AlbumNPA 42nd Anniversay Photo AlbumApr 5, '11 11:42 PM
for everyone

LinkApr 5, '11 11:35 PM
for everyone
Link: http://www.youtube.com/watch?v=JHLVOo01x1c

This short video production portrays the basic characteristics of the true people's army and its tasks, using a poetic form. Highest salute to the New People's Army for its 42nd Anniversary

Blog EntryMar 20, '11 8:09 AM
for everyone

ISNAYP releases the following video footage handed over by some

soldiers of the 9th Infantry Division Philippine Army based in Kuta

Elias Angeles, Pili, Camarines Sur. The AFP's 9th IDPA directs all

military activities in the whole of the Bicol region. This footage

covers a significant part of the army recruits' months-long training

(ECO2 Cl 185-08). Dismayed soldiers of the 9th IDPA submitted this

video to the National Democratic Front-Bicol to protest the

maltreatment and abuse carried out by the Training Unit of the 9th

IDPA.

The following video exposes various types of torture inflicted by the

9th IDPA Training Unit on the trainees. According to the upset soldiers

who submitted the video, the extremely cruel exercises supposedly

prepares the trainees in the eventualities that they will be captured

by red fighters of the New People's Army. However, the 9th IDPA

Training Unit's indoctrination is the exact opposite of the NPA's

policies. Moreso, former prisoners of war of the NPA attest to the

NPA's humane treatment of captives and adherence to international

humanitarian law.

With the AFP's systematic brutality even to its own soldiers, the

military's platitudes of its supposed respect for human rights is

nothing but a big lie.

Succeeding scenes are sensitive. Viewer discretion is advised.

March 2011

 

You tube Videos:

part 1 of 2

http://www.youtube.com/watch?v=RtmnN9xn


part 2 of 2

http://www.youtube.com/watch?v=xDhTMaWOLFg

For easy Downloading:

For easy Video Downloads:
Vimeo Videos part 1 of 2

http://vimeo.com/21255045

Vimeo Videos part 1 of 2

http://vimeo.com/21254652

 


Blog EntryJan 26, '11 5:14 AM
for everyone
Bidyu: Bulusan Klinikang Masa
Panoorin sa You Tube

Sa pinakahuling ulat mula sa Sorsogon, mahigit sa 500 pasyente ang nabiyayaan ng tuluy-tuloy na klinikang bayan ng mga medik ng Celso Minguez Command.

Bilang pagtugon sa pangangailangan ng mamamayang naging biktima ng pagsabog ng bulkang Bulusan,pinangunahan ng mga medik ng Bagong Hukbong Bayan at ng lokal na komite sa kalusugan ng mga samahang masa ang paghahatid ng serbisyo medikal.
Sa pagitan ng matitinding sakyada ng mga militar mula Nobyembre hanggang Disyembre 2010, sinikap ng mga medik na makapag-abot ng libreng serbisyo sa mahigit 300 katao. Sinaklaw nito ang sampung baryong naapektuhan ng pagputok ng Bulkan Bulusan.


Hanggang sa kasalukuyan, tuluy-tuloy ang paglulunsad ng klinikang bayan sa maraming mga baryo sa Sorsogon na nakararanas ng matitinding pagbuhos ng ulan at pagbaha.


ddd
dThumbnaild
ddd
Klinikang bayan para sa mga Biktima ng Pagputok ng Bulkan Bulusan

Mahigit sa 300 pasyente ang nabiyayaan ng klinikang bayan ng Celso Minguez
Command. Sinaklaw nito ang sampung baryong naapektuhan ng pagputok ng
Bulkan Bulusan.

Sa pagitan ng matitinding sakyada ng mga militar mula Nobyembre hanggang
Disyembre 2010, sinikap ng mga hukbong medik na makapag-abot ng libreng
serbisyo sa mga taumbaryo.


Hanggang sa kasalukuyan, tuluy-tuloy ang paglulunsad ng klinikang bayan sa maraming mga baryo sa Sorsogon.

Photo AlbumDagundong ng Bikol CD coverJan 9, '11 1:18 AM
for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
December 2010 broadcast


Blog EntryFeb 18, '10 1:37 AM
for everyone

Maaring makita ang Praymer sa Eleksyong 2010

sa pamamagitan ng pag-click sa:

Download link: Praymer sa Eleksyong 2010

 


Link: http://www.youtube.com/watch?v=xoBqFjh

November 9, 2009 -- This short vid is taken from the actual footage when the eight memebers of the 509th Provincial Police Mobile Group were ambushed by the Celso Minguez Command of the NPA in Sorsogon, while riding a Toyota Hilux back-to-back truck. Using command-detonated explosives, the truck was bombed and consequently wrecked.
Killed on the spot were four members of the PPMG and another died in the hospital. The others were wounded. Two 45 cal. firearms, ammunitions and magazines were taken from the said police.
Revolutionary justice was given to the victims of extra-judicial killings perpetrated by the ambushed mobile group of the PNP.

LinkFeb 15, '10 3:15 AM
for everyone
Link: http://www.youtube.com/watch?v=ubyV0BbCTrg

The Celso Minguez Command of the NPA in Sorsogon gives its highest salute to the martyred comrades of the people's Army who offered their lives in the service of the people. These red warriors are teachers, commanders, doctor and organizers of the toiling masses in the countryside, where they spent their revolutionary lives.

   National Democratic Front of the Philippines
     Bicol Region


Pahayag sa Media
13 Pebrero 2010

  KARUMALDUMAL NA MGA KRIMEN NG BERDUGONG 9TH IDPA SA BIKOL

Mariing kinukundena ng National Democratic Front - Bicol  ang mga kasinungalingan at maruming disimpormasyong ipinakakalat ng mga upisyal at tagapagsalita ng 9th Infantry Division sa rehiyong Bikol upang pagtakpan ang kanilang karumaldumal na krimen at walang puknat na ilarga ang kanilang kampanya ng pagdukot at pamamaslang ng mga inosenteng sibilyan.

Kinukumpirma lang ng mga paratang ni Maj. Gen. Ruperto Pabustan at ng kanilang tagapagsalitang si Maj. Harold Cabunoc ang pagpapatupad sa rehiyon ng utos ng kleriko-pasistang si Norberto Gonzales na ipatupad na ang mga "plano para sa pinal na yugto" ng pagdurog sa rebolusyonaryong kilusan. Garapal na ibinibintang ni Maj. Cabunoc sa Bagong Hukbong Bayan ang sunud-sunod na pagdukot at pamamaslang sa Albay na kagagawan ng mga elemento ng special operations team (SOT) ng AFP at pinalilitaw na bahagi umano ito ng nangyayaring "pagpupurga" ng mga kasapi ng CPP-NPA-NDF sa rehiyong Bikol.

Duguan ang mga kamay ng kleriko-pasistang si Norberto Gonzales na ngayon ay kasalukuyang Kalihim sa Depensa at ang mga upisyal ng 9th Infantry Division, 901st Brigade at 2nd Infantry Batallion ng Philippine Army sa sunud-sunod na insidente ng karumaldumal na pagdukot at pamamaslang sa ikatlong distrito ng Albay. Umabot na sa walong sibilyan ang brutal na pinaslang mula noong Nobyembre 2009 hanggang sa katapusan ng buwan ng Enero 2010.

Nitong buwan lamang ng Enero, anim na sibilyan ang naging biktima ng brutal na pamamaslang. Walang awang pinagbabaril hanggang mamamatay ng mga elemento ng 2nd IB ang sibilyang si Vergel Mapola Catubig habang nagkukubeta sa isang pistahan sa Bgy. Lawinon, Pio Duran, Albay noong Enero 30. Upang pagtakpan ang kanilang krimen, pinuntahan ng mga sundalo kinabukasan ang mga upisyal ng barangay at pinapipirma ng isang kasulatang nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng militar at BHB sa lugar.

Noong Pebrero 7 natagpuan ang naaagnas at pira-pirasong mga labi ng mga sibilyang sina Ananias Cardiente Jr. at Vicente Moradillo na dinukot ng mga sundalo ng 2nd IB noong Enero 15 sa Bgy. Taplacon, Camalig, Albay. Ayon sa mga kamag-anak ng mga biktima, hinahanap ng militar ang dalawa bago ito nawala noong Enero 15. Mababakas sa bangkay ng mga biktima ang matinding pagpapahirap na dinanas - basag ang bungo, nakahiwalay ang mga ulo at sinunog ang isang bangkay.

Natagpuan din ang bangkay ni Salvador Mancera, isang residente ng Bgy. Taloto, Camalig, Albay sa katabing barangay ng Florista, Jovellar noong Enero 20, isang araw matapos itong dukutin ng mga elemento ng 2nd IB. Brutal itong pinaslang at ginilitan ng leeg.

Ang mga biktimang sina Mancera, Moradillo at Cardiente ay nauna nang "pinasuko" ng sapilitan ng special operations team ng 2nd IB at pinararatangang mga rebelde at nasa Order of Battle ng militar. Tatlo pang sibilyan sa Bgy. Taplacon at anim sa Bgy. Taloto, Camalig ang pinaghahanap ng militar at umalis sa lugar sa takot na dukutin din sila at patayin ng militar.

Dalawang kaso rin ng brutal na pamamaslang ang nangyari sa bayan ng Oas, Albay. Natagpuan noong Enero 20 ang bangkay ni Edgar Oguis na nilaslas ang leeg at hiniwa ng paekis ang mukha sa Bgy. San Antonio, Oas. Si Oguis ay dating kasapi ng BHB at namumuhay na bilang isang ordinaryong sibilyan sa Bgy. Salvacion, Pio Duran. Dinukot ito sa kanyang pinagtatrabahuhan sa bayan ng Camalig noong Enero 8 at dinala ng mga sundalo sa kampo ng 2nd IB sa Bgy. Tula-tula, Ligao City. Noong Enero 20, sapilitan itong isinabay sa operasyong militar sa San Antonio, Oas at doon ito pinahirapan bago pinatay.

Walang pakundangang pinaulanan din ng bala hanggang mamatay sa kanyang bahay si Jesus Goronal sa Bgy. Nogpo, Oas. Nakilala ng mga testigo ang dalawa sa mga bumaril na sundalo na sina Obet Concepcion at CAFGU Edwin Valencia na nakadestino sa isang detatsment ng militar sa Bgy. Villa Petrona, Libon, Albay.

Noong Nobyembre 3, 2009 natagpuan sa Bgy. Mabayawas, Libon, Albay ang bangkay ng mga sibilyang sina Hernani Requijo Jr. at Jesus Reonico na dinukot ng mga elemento ng 2nd IB noong Oktubre 28. Bakas sa kanilang mga bangkay ang sinapit na pagpapahirap at tortyur - tinanggalan ng mga kuko, binalian ng mga braso, sinaksak at ginilitan ng leeg.

Lalong ginagatungan ng kalupitan ng militar ang naghihimagsik na damdamin ng mamamayan at higit nitong pinabibilis ang paglahok ng mamamayan sa rebolusyonaryong armadong pakikibaka. Sisingilin sa tamang panahon at pagbabayarin ng mahal ng mamamayan at rebolusyonaryong kilusan ang mga pasistang upisyal na ito na pinamumunuan ng kleriko-pasistang si Norberto Gonzales at ang kanilang punong kumander na si Gloria Macapagal-Arroyo.


Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email:  greg_banares@yahoo.com/ gb_ndfbicol@yahoo.com

website: www.ndfbicol.wordpress.com


1 February 2010

Mariing kinukundena ng NDF-Bicol ang sunud-sunod na pagdukot at pamamaslang sa mga inosenteng sibilyan na ginagawa ng 2nd IDPA at 901st Brigade sa probinsya ng Albay. Walang pakundangang binaril at napatay ang sibilyang si Vergel Mapola Catubig ng mga militar sa isang pistahan sa Bgy. Lawinon, Pio Duran, Albay noong Enero 30 ng umaga.

Mga elemento rin ng special operations team (SOT) ng 901st Brigade ang dumukot sa mga magsasakang sina Ananias Cardiente Jr. at Vicente Moradillo noong Enero 15, 2010 sa Bgy. Taplacon, Camalig, Albay. Nawawala pa ang dalawa hanggang sa ngayon. Isa pang sibilyan sa Camalig ang dinukot, ginilitan ng leeg at pinatay at natagpuan ang bangkay sa sakop na ng bayan ng Jovellar.

Ang mga pamamaslang ay bahagi ng taktikang terror at maruming psy-war na sistematikong ginagamit ng 901st Brigade upang maghasik ng takot sa mamamamayan at kasabay ibintang sa BHB ang kanilang karumaldumal na mga krimen.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email:  greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Blog EntryFeb 1, '10 12:54 AM
for everyone
Sagadsaring sinungaling si Maj. Harold Cabunoc ng 9th Infantry Division at pilit na binabaliktad ang pangyayari sa labanang naganap sa Bgy. Banwang Gurang, Donsol, Sorsogon kahapon ng hapon. Hindi ang BHB ang nagsasagawa ng ambus sa umano'y 3 nakasibilyang sundalo at CAFGU kundi ang militar ang umatake sa mga pulang mandirigma.

Ngunit mahusay na nakapanlaban ang isang tim ng BHB at napinsalaan ng malaki ang umaatakeng sundalo at CAFGU. Dalawa ang patay at 4 ang sugatan kabilang ang sarhento na kumander ng 22nd IB-CAFGU detatsment, habang isang pulang mandirigma ang nagbuwis ng buhay sa labanan.

Sa sobrang aburido ng militar, walang pakundangang nagwala ito sa lugar at dinukot ang ilang sibilyan, may ginilitan ng leeg, at marami ang binubug. Iligal na inaresto ang sibilyang si Rolly Deloso at pinaratangang kasapi ng BHB. Dapat pagbayarin ang pamunuan ng 9th IDPA at mga tauhang sangkot sa kalupitang ginawa sa mga sibilyan.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email:  greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Pahayag sa Media
31 Enero 2010

MGA TAKTIKAL NA OPENSIBA SA BIKOL SA UNANG BUWAN NG 2010

Koordinado at magkakasunod na mga taktikal na opensiba sa buong rehiyon ang pambungad na bigwas ng Bagong Hukbong Bayan sa berdugo at pasistang 9th Infantry Division-PA at PNP sa taong 2010. Sa kabila ng pagyayabang ni Maj.Gen. Ruperto Pabustan na nabawasan nila ng malaki ang pwersa ng BHB noong nakaraang taon ng 2009, nakapaglunsad ang Bagong Hukbong Bayan ng di-bababa sa tatlumpu’t tatlong opensibang aksyong militar at nagkaroon ng apat na depensibang labanan sa buwan lamang ng Enero.

Ang mga opensibang aksyon ng BHB ay kinabibilangan ng isang ambus, isang reyd, limang pamamarusa at dalawampu’t anim na operasyong atritibo sa mga probinsya ng Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Catanduanes at Masbate.  Sa kabuuang 37 na labanan (opensiba at depensiba) umabot sa 20 ang kumpirmadong namatay sa mga pasistang tropa at 20 ang sugatan habang mas marami pa ang bilang ng kaswalti sa AFP-PNP at CAFGU na itinago ng militar. Napangalagaan ang kapakanan ng mga sibilyan at walang nadamay sa naturang mga labanan.

Pinakamatingkad at pinakamarami ang aksyong militar sa Masbate, Albay, Camarines Sur at Sorsogon. Matagumpay na inambus sa Albay ang special operations team (SOT) ng 2nd IB sa Bgy. Taplacon, Camalig noong Enero 14 na ikinamatay ng isang Pfc. Michael Sacza. Hinaras at pinaputukan naman ng mga pulang mandirigma ng Celso Minguez Command-Sorsogon ang mga sundalong sakay ng trak sa Bgy. Palogtok, Irosin noong Enero 15 na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang sundalo at pitong sugatan sa 49th IB.

Sa probinsya ng Masbate, apat na sundalo ng 9th IB ang namatay at sugatan ang anim na iba pa nang pasabugan ng command detonated explosive ang kanilang sinasakyan sa Bgy. Lalaguna, Mobo noong Enero 15. Pagkalipas ng limang araw noong Enero 20, pinasabugan ng isang komando tim ng Jose Rapsing Command ang pader at guard house sa harapan ng kampo ng PNP-RMG at 9th IB sa Bgy. Armenia, Uson na nagresulta sa pagkamatay ng apat na sundalo ng 9th IB na nagbabantay ng mga oras na iyon.

Nakumpiska naman ng Jose Rapsing Command ang dalawang bushmaster na riple at isang shotgun nang ireyd ng isang platun ng BHB ang bahay ng kandidatong si Monching Radan sa Bgy. Taguilid, Claveria, Masbate noong Enero 16.

Matagumpay ding naparusahan ng BHB ang kasapi ng Military Intelligence Group (MIG) na si Joel Mitra noong Enero 27 sa Bgy. Tigbao, Aroroy, Masbate at nakumpiska ang isang Ingram machine pistol, isang kalibre .45 baril, dalawang .38 rebolber, isang shotgun, teleskopyo at daan-daang mga bala.

Tatlo pang mga aktibong impormer ng Military Intelligence Group (MIG) ng AFP ang naparusahan ng BHB sa iba’t ibang lugar sa bayan ng Aroroy at Cawayan, Masbate. Kabilang dito si Toto Ortis na may kaso ng panggagahasa noong Agosto 2009 ng isang 16-taong gulang na estudyante ng Malbog Highschool sa Cawayan, Masbate; Sally Flores ng San Pablo, Aroroy na nanggahasa din ng sariling anak; at Junti Becamon ng Polot, Cawayan na isa ring pusakal na mangangalabaw.

Dumanas din ng apat na depensibang labanan ang mga pulang mandirigma. Kahit naunahan ng militar, magiting na nakapanlaban ang mga pulang mandirigma at napinsalaan ng malaki ang mga pasistang tropa. Sa Bgy. Banuang Gurang, Donsol, Sorsogon tinangkang kubkubin ng militar at CAFGU ang isang tim ng BHB nitong Enero 29 ng hapon ngunit ang militar ang namatayan ng 2 sundalo at CAFGU at sugatan ang apat na iba pa nang mahusay na makapanlaban ang mga pulang mandirigma. Sa depensibang labanan sa Magallanes, Sorsogon noong Enero 11 ay dalawa ang kumpirmadong namatay sa 49th IB at tatlo ang sugatan na kinarga ng masa at isinakay sa bangka ng militar. Apat na pulang mandirigma ang nagbuwis ng buhay at namartir sa apat na depensibang labanan.

Pinabubulaanan ng mga aksyong militar ng BHB ang saywar ng 9th ID na mahina na ang rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon, at pinatutunayan ang lubos na pagkabigo ng Oplan Bantay Laya ng pasistang rehimeng US-Arroyo. Isang mariing sampal din ito sa liderato ni Maj. Gen. Ruperto Pabustan ng 9th IDPA na nagyayabang kamakailan na kaya niyang tapusin ang problema ng insurhensya sa rehiyon sa buwan ng Hunyo ng kasalukuyang taon.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email:  greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com


Pahayag sa Midya
30 Enero 2010

PEKENG MGA TAGUMPAY AT MAS MARAMING KASINUNGALINGAN NG 9TH IDPA SA BIKOL

Peke at nilubid na mga kasinungalingan ang ipinangangalandakang tagumpay ng 9th Infantry Division – Philippine Army noong 2009 laban sa rebolusyonaryong kilusan ng Bikol. Sa sobrang desperasyon ng 9th IDPA na madurog o mapahina ang rebolusyonaryong pakikibaka sa rehiyon at sa paghahangad ng dagdag na estrelya sa balikat ng kanilang pinuno na si Maj. Gen. Ruperto Pabustan, naglulubid ito ng ulat ng mga pekeng tagumpay laban sa BHB habang patuloy na itinatago ang malaking bilang ng kanilang mga kaswalti sa labanan.

Imbensyon lang ng maruming imahinasyon at bahagi ng saywar ng mga upisyal ng 9th IDPA ang ipinagyayabang nitong nabuwag na isang “mayor na larangang gerilya” at nakubkob na mga kampo ng BHB sa rehiyon noong nakaraang taon. Kahit ang mass media sa rehiyon ay hindi naniwala sa pagyayabang ni Gen. Pabustan dahil hindi ito makapagpakita ng kahit isang larawan ng diumano’y anim na mga kampo ng BHB na kanilang nakubkob. Ang totoo’y mga karaniwang bahay lang ito ng mga sibilyan na pinalilitaw ng 83rd IBPA na mga kampo ng BHB upang merong maiulat at sinadyang pinili sa pinakanugnog na lugar ng Catanduanes upang mahirapang abutin ng mga kagawad ng mass media sakaling magkainteres silang tingnan ang mga ito.

Maliban sa ilang sibilyang iligal na inaresto at pinalitaw na mga sumukong kasapi ng BHB, hindi maiharap ni Gen. Pabustan sa media ang ipinagyayabang nitong 59 “rebel returnees” na ang ilan ay nakikinabang na umano ng “livelihood training package”. Ang totoo, sadyang pinalalaki ang bilang ng mga pekeng “rebel returnees” upang mas malaki ang makurakot na pondo ng mga upisyal ng 9th ID mula sa Social Integration Program (SIP) ng pasistang rehimen, at ginagamit ang mga pekeng “rebel returnees” sa kampanyang saywar ng rehimen.

Hindi maunawaan at hindi kailanman mauunawaan ng mga heneral ng AFP na kahit nagbuwis ng buhay ang ilang mandirigma ng BHB sa mga labanan, mas marami ang pumapalit at higit na marami ang handang magpultaym mula sa ilampung libong aktibistang masa at daan-daang libong baseng masa sa kanayunan at kalunsuran. Kaya’t palaging nanghuhula (at sumasablay) ang 9th IDPA sa tunay na armadong lakas ng BHB sa rehiyon na umano’y bumaba sa bilang na 400 mula sa 600 noong Disyembre 2008.

Pantastiko at sobrang hambog ang pahayag ni Gen. Pabustan na matatapos na ang problema ng insurhensya sa rehiyong Bikol sa buwan ng Hunyo ngayong taon. Ni hindi nga maabot ni Gen. Pabustan ang orihinal nitong target na tatlong larangang gerilya na dudurugin sa loob ng mahigit walong buwan bilang kumander ng 9th IDPA, ngunit nagmamagaling itong tatapusin sa loob ng ilang buwan ang di-nagawa ng labing-apat na taon ng pasistang paghahari sa ilalim ng batas-militar at mababagsik na kampanyang militar ng apat na papet na rehimen na durugin ang rebolusyonaryong armadong pakikibaka ng mamamayan sa rehiyon.

Wala nang magagawa si Gen. Pabustan sa natitirang kulang sa anim na buwan na ibinigay na taning ni Gloria Macapagal-Arroyo upang durugin ang rebolusyonaryong kilusan sa Bikol. Sa maksimum hahabulin na lang ni Gen. Pabustan na umimbento ng mga pekeng tagumpay para sa hinahangad na promosyon tulad ng pagpapakulo ng mas maraming “rebel returnees” at “mass grave”, panlilinlang at huwad na civil-military operations (CMO) upang pagtakpan ang karumaldumal na mga krimen ng 9th ID, pagtatago sa publiko ng dumaraming bilang ng kanilang kaswalti, at pag-iipon ng malaking halaga para sa pansariling interes mula sa mga malalaking kumpanya sa pagmimina at negosyo na pinoprotektahan ng CAFGU at militar, iligal na sugal tulad ng jueteng, at mula sa mga reaksyunaryong pulitiko na kinokotongan ng militar bilang proteksyon sa panahon ng eleksyon.

Sa kabilang banda, puspusan ngayon ang ginagawang paghahanda ng mga rebolusyonaryong pwersa kasama ang mamamayan sa Bikol upang harapin ang malalaking hamon at tungkulin sa higit na pagpapaigting ng digmang bayan para makapag-ambag sa pagkakamit ng malalaking pagsulong tungo sa estratehikong pagkapatas ng digmang bayan sa buong bansa sa susunod na limang taon.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email:  greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com


Enero 19, 2010

Kinumpirma ng Jose Rapsing Command ng BHB - Masbate ang matagumpay na reyd na ginawa ng BHB sa bahay ni Monching Radan, kandidato para bise-alkalde ng Claveria, Masbate noong Enero 15, dakong alas-sais ng umaga.

Kinumpiska ng BHB ang dalawang bushmaster snper rifle na M16 at isang shotgun na ginagamit ni Radan sa panananakot ng mamamayan sa lugar at gamit sa kriminal na mga aktibidad tulad ng pangangalabaw. Binabalaan ito ng BHB at pinayuhang magbago na.

Samantala, sa pinakahuling ulat ng JRC, umabot na sa apat na sundalo ang kumpirmadong namatay at anim ang sugatan nang pasabugan ng command detonated explosive ng BHB ang sasakyan ng 9th IBPA sa Bgy. Lalaguna, Mobo, Masbate noong Enero 15 dakong alas-8 ng umaga.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email:  greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Enero 17, 2010

Tatlong magkakasunod na taktikal na opensiba ng BHB ang binigwas sa pasista at berdugong tropa ng 9th Infantry Division ng Philippine Army sa mga probinsya ng Albay, Masbate at Sorsogon noong Enero 14 at 15.

Namatay si Pfc. Michael Sacza at kumaripas ng takbo si Pfc. Malagday ng ambusinng BHB sa Bgy. Maninila, Camalig, Albay noong Enero 14. Mga elemento sila ng Special Operations Team (SOT) ng 2nd IBPA at nagsasagawa ng pananakot at panghaharas sa mamamayan ng lugar.

Dalawa naman ang namatay at 8 ang sugatan sa 9th IBPA nang pasabugan ng BHB ng command detonated explosive (CDX) ang kanilang sasakyan sa Bgy. Lalaguna, Mobo, Masbate noong Enero 15, alas-7 ng umaga. Namatay din 2 sundalo ng 49th IBPA at sugatan ang 7 pang iba nang paputukan ng isang tim ng BHB ang mga sundalong sakay ng trak habang binabaybay ang kalsada sa Bgy. Palogtok, Irosin, Sorsogon bandang alas-10 ng umaga nitong Enero 15.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol

email:  greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com

Pages:12345

ISNAYP Rebolusyonaryong Midya ng Bikol

© 2012 Multiply · English · About · Blog · Terms · Privacy · Corporate · Advertise · API · Help · Sitemap

Template design Copyright © 2005 Remi Prevost Some rights reserved.